rita-copy

TRENDING ang pilot episode ng Magpahanggang Wakas sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Arci Muñoz ang serye na mainit na usap-usapan sa social media ngayon. 

Sa press launch ng serye, ipinagtapat ni Direk FM Reyes na mas na-pressure siya nang malaman niyang kasali sa cast ang kanyang asawang aktres na si Rita Avila. Sa casting ng serye, ang business unit head na si Direk Ruel Bayani ang nagpapunta kay Rita for look-test.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagulat si Direk nang magkita silang mag-asawa sa storycon ng serye at ‘di inakalang isasama ni Direk Ruel sa project si Rita. 

Pahayag ni Direk FM, 15 years ago pa nang huli silang nagkasama ng asawa sa trabaho kaya’t nakakaramdam siya ng pressure directing his real-life partner.

“Mahirap po sa ’min kasi I know her very well, and on the personal side the one reason I fell in love with her is (because) she is very, very intelligent as an actress.

Sabi pa ni Direk FM, setting aside his personal relationship with Rita, noon pa man ay hanga na siya sa akting ng asawa.

“I worked with her a long time ago, 15 years ago, and that impressed me but she’s just a quiet lady, so I find it always challenging na ‘pag dumarating sa set at may ipapagawa ako. She’s really, really quiet and thinking about it, but when she performs medyo natatameme na ako,” sabi pa ni Direk FM. (ADOR SALUTA)