Isang barung-barong na nagsisilbi umanong drug den ang si nalakay ng mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa isang lalaki na umano’y drug user, matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Quiapo, Maynila kamakalawa.

Ang napatay na suspek ay inilarawang nasa edad 25 hanggang 30, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo sa mga braso, nakasuot ng itim at puting t-shirt, brown na shorts, at asul na malong sa ulo.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 4:10 ng hapon sinalakay ng mga awtoridad ang barung-barong na matatagpuan sa likuran ng Quinta Market, sa Muelle dela Quinta Street, Quiapo, Maynila.

Nauna rito, nakatanggap umano ng impormasyon ang mga pulis kay Kagawad Ervin Vincent Tobilla na ginagawang drug den ang nasabing lugar.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kaagad namang nagtungo sa lugar ang mga pulis at dito naaktuhan ang suspek na bumabatak ng shabu ngunit sa halip na sumuko ay bumunot pa umano ng baril at nagtangkang tumakas kaya napilitan ang mga awtoridad na ipagtanggol ang kanilang mga sarili at pinagbabaril ang suspek. (Mary Ann Santiago)