Nakumpleto ng Ateneo de Manila ang dominasyon sa National University sa naitarak na 25-14, 18-25, 25-20, 25-20 panalo para makopo ang ikalawang sunod na Spiker’s Turf title kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Winalis ng Blue Eagles ang best-of-three title series para makumpleto ang nine-game sweep sa conference at kabuuang 22 susunod na panalo mula nang makamit ang kampeonato sa parehong pagkakataon laban sa NU.

“We’re not thinking of that but that’s the will of the Lord for us to sweep the tournament like last year,” sambit ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw si Conference Most Valuable Player Marck Jesus Espejo sa naiskor na 15 puntos, tampok ang 14 kills.

Nag-ambag si Finals MVP 6-foot-8 Russian-American recruit Antony Koyfman ng 15 marker.

“It’s good to win this one but it’s just a mark for the UAAP. We really want the UAAP championship this year. We badly want to win that one so we have to prepare for that,” ayon kay Almadro.

Nanguna sa NU si Bryan Bagunas na may 15 puntos, habang kumana si Best Opposite Spiker winner Madzlan Gampong ng walong puntos.

Itinanghal na 2nd Best Outside Spiker sina Arjay Onia at Raymark Woo na nanguna sa De La Salle para gapiin ang University of Santo Tomas, 25-16, 25-22, 19-25, 25-21, para sa ikatlong puwesto.