Setyembre 9, 1839 nang buohin ni Sir John Herschel ang unang photograph sa glass plate, na may silver chloride. Noong panahong ‘yon, ang daguerreotypes ay gawa pa sa silver plates.

Tampok sa imahe, na ngayon ay nabura na at halos hindi na makita, ang 40-talampakang telescope ni William, na siyang ama ni John.

Nagsilbing inspirasyon ni Herschel ang photographic process ni Louie Daguerre, na dinemonstrate ng French Academy of Sciences noong Enero 1839. Simula noon ay pinag-aralan ni Herschel ang pagpipintura ng glass plate gamit ang isang light-sensitive emulsion. Maaaring ilagay sa glass plate ang iba’t ibang kopya ng litrato, ‘di tulad sa proseso ng Daguerre.

Nadiskubre ni Herschel ang photography nang mag-isa, at ipinakita ang kinalabasan sa Royal Society. Nakuha niya ang salitang “photography”, mula sa “positive” at “negative” na ginagamit pa hanggang ngayon.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ngunit pagsapit ng 1889, nawala ang popularidad ng glass plates dahil sa film method.