Beyonce copy

HINDI mapigilan ni Beyoncé na ibahagi ang pagmamahal sa kanyang birthday.

Ipinagdiwang ng Formation singer ang kanyang 35th birthday noong Linggo sa sorpresang paglalabas ng Lemonade track na Hold Up sa YouTube para sa kanyang mga tagahanga.

Ang video, na dating available lamang sa mga tidal subscriber, ay nag-premier noong April bilang bagong visual album ng singer, ngunit maaari na ngayong ulit-uliting panoorin ng fans online.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nagsama-sama sa social media ang Beyhive fandom ng singer noong Linggo para magtulungan sa pagpapalakas ng hashtag na #HappyBirthdayBeyonce at bumati naman ang lahat mula kina Gladys Knight, Jennifer Hudson, Mariah Carey, at Simone Biles ng happy birthday kay Queen B.

“Happy Birthday to the beautiful Queen Bey! @beyonce,” sulat ni Carey. “Lots of love and respect always, Mariah.”

Nag-post naman si Hudson ng throwback photo ng kanyang 7-year-old na anak na si David Daniel Otunga Jr. kasama si Beyonce. “What better day to post this throw back, then on your bday! Happy birthday @Beyonce from one Virgo to another,” caption nito sa sweet picture.

“The Boy is Mine” sabi naman ng singer na si Monica Brown na nagbahagi rin ng nakabagbag-damdaming mensahe. 

“Happy Birthday B....You always display love, graciousness & gratefulness,” aniya. “I pray this birthday God has placed nothing but his love & your family around you.

“Happy Birthday #QueenBey @beyonce,” caption ni Gladys Knight sa litrato niya na kasama si Beyonce. “I’m so very proud of you. Continue to shine bright and do what you do best. #Win With love from mama Gladys.” (ET online)