Naghahanap ang Bureau of Immigration (BI) ng mga indibidwal na bihasa sa wikang Chinese upang magsilbing interpreter ng immigration officers (IO) na tutulong sa pagsasala at pagtatanong sa mga Chinese na pumapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na inaprubahan niya ang rekomendasyon ng port operations division (POD) ng bureau na kukuha ng 12 Chinese interpreter para magtrabaho, on contractual basis, sa tatlong terminal ng NAIA. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'