NADINE AT JAMES copy

SISIMULAN ang selebrasyon ng JaDine World Day sa ASAP sa pagbisita ng Till I Met You stars na sina James Reid at Nadine Lustre ngayong Linggo ng tanghali.

Airing na ng kanilang pinakabagong teleserye bukas, sa time slot na binakante ng nagtapos na Dolce Amore, kaya bibigyan sila ng special spot ng ASAP. Kinahapunan naman gaganapin ang press launch ng serye.

Bukod sa kilig na hatid ng Team Real, bibigyang-pugay naman sa “ASAPinoy” ang musika ni Jim Paredes sa pangunguna ni Gary Valenciano kasama ang ibang OPM icons na kinabibilangan nina Buboy Garovillo, Mitch Valdez, Nanette Inventor, at Kapamilya performers na sina Piolo Pascual, Kean Cipriano, Bradley Holmes, Richard Poon, Sitti, Nina, Kyle, Edray, at Vina Morales.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

May patikim din sa tamis ng pag-ibig mula sa Barcelona na ihahain ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa kanilang nalalapit na pelikulang Barcelona: A Love Untold.

All-out dance showdown naman ang itatanghal nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Vin Abrenica, Sarah Lahbati at Kim Chiu kasama ang Kapamilya dance idols na sina Joshua Garcia, Jerome Ponce, at Loisa Andalio.

Harapin ang #AfterPhotoshootChallenge kasama sina Andrea, Kyline, Nash, AC of Lucky Aces, Nikko, Ronnie, Sue, at Nhikzy at samahan ang favorite Kapamilya heartthrobs na sina Iñigo Pascual at Diego Loyzaga.

Huwag ding palalampasin ang palaging pinag-uusapang ASAP segment na “ASAP Birit Queens” at “ASAP Soul Sessions” pati na rin ang isang special concert treat mula kay Jason Dy.

Samantala, mga kuwentong puno ng inspirasyon ang handog ng “ASAP LSS” kasama sina Yeng Constantino, Erik Santos, Jed Madela, Nina, Jay Durias, at Jolina Magdangal.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).