Babaguhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tawag sa Palasyo, kung saan mula sa dating Malacañan Palace, nais ng Pangulo na gawin itong People’s Palace.
“I only call it ‘The People’s Palace.’ One day I will rename it, ‘People’s Palace,’” ani Duterte sa press conference sa Davao City.
Sinabi ng Pangulo na iniiwasan niyang tawaging ‘Malacañang Palace’ ang lugar dahil hindi naman umano ito palasyo. Ang tawag sa lugar ay gawa ng Spanish at American colonizers noong 19th century.
“Tanggalin ko. You know why? In the word “Malacañan,” it sucks with imperialism. Totoo. Sino man ang nagpangalan ng “Malacañang Palace”? Mga Español man yan. Why should I just address it as the “People’s Palace of the Republic of the Philippines,’” ayon sa Pangulo.
Ang Malacañan Palace o Malacañang Palace ay opisyal na binabahayan o workplace ng mga nagiging pangulo ng bansa, kung saan makikita ito sa
J.P. Laurel Street, San Miguel, Manila.
Ang orihinal na istraktura nito ay binuo bilang summer house sa Pasig River noong 1750 at binili ng estado para gawing official residence ng Governor-General noong 1825. Tinawag itong Malacañan ng Spanish at American colonizers , na ang ibig sabihin ay “place of the fishermen”.
Mula sa Malacañan, ginawa itong Malacañang ni dating Pangulong Ramon Magsaysay noong 1953, samantala ibinalik naman sa orihinal ni dating Presidente Corazon Aquino noong 1986. (Genalyn Kabiling)