Hindi iinsultuhin, ngunit padadaanin sa butas ng karayom ang appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasalang sa 25-member Commission on Appointments (CA).

Ang CA ay naorganisa na kung saan pamumunuan ito ni Senate President Aquilino Pimentel III.

Hinihintay na umano ng komite na makumpleto ng appointees ng Pangulo ang kanilang mga dokumento bago sumalang sa pagdinig.

‘’We are excited to hear the (President’s) appointees or nominees about their plans for the people,’’ ani Pimentel.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sakaling ma-by pass ang isang nominado, sinabi naman ni Pimentel na hindi nila mapapangunahan ang Pangulo sakaling gusto nitong i-reappoint ang ‘hindi pasado’ sa CA. (Mario Casayuran)