NAPAPANSIN ba ninyo na sa halip na makalimutan ng mga tao ang sugat na likha ng martial law noon at mapawi ang pagkakawatak-watak ng mga Pilipino, parang muling nananariwa ang galit ng mga tao sa mga Marcos bunsod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na payagang mailibing ang diktador na si Pres. Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB)?

Marami ang nagpoprotesta sa pagpapalibing kay Apo Macoy sa LNMB subalit matatag si Mano Digong na pahintulutang mailibing ang diktador doon na dapat sana ay walang kontrobersiya kung sa Ilocos Norte siya ihimlay. Sa kanyang probinsiya, siya ay isang bayani, dakila, magiting na pangulo at sundalo. Doon, walang gulo tulad ngayon sa isyu ng pagpapalibing sa LNMB.

Noong linggo, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, libu-libong anti-Marcos burial ang nagtipun-tipon sa Rizal Park upang tutulan ang planong pagpapalibing sa bangkay ni FM. Sa mga plakard ay nakasulat ang malalaking letra na “Marcos not a hero.” Si Marcos daw ay hindi isang bayani eh, bakit siya ihihimlay sa LNMB? Siya raw ay kaaway ng mga bayani na nangakalibing doon kung kaya dapat na siya ay ilibing na lang sa Batac, Ilocos Norte.

Kabilang sa mga dumalo sa Luneta anti-Marcos protest rally ay ang dalawang babae na may “bayag”. Sila ay sina Sens.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Risa Hontiveros at Leila de Lima, matinding kritiko ni RRD. Pahayag ni Risa: “We would be the laughing stock of the entire world.” Sabi naman ni Leila: “Burying Marcos at the heroes’ cemetery could mean tyranny can rule this country again.” Akala ko ba “This country will be great again”?

Bukod kina Risa at Leila, dumalo rin sa protesta sina Sen. Bam Aquino, Albay Rep. Edcel Lagman, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, ex-Sen. Wigberto Tanada, ex-CHR chairperson Etta Rosales, at ex-DILG Sec. Mar Roxas. Eh, si PNoy, nasaan, natutulog ba? Ang katwiran ni RRD sa pagpapalibing kay FM ay dati siyang pangulo at sundalo. Walang batas na nagbabawal sa ganitong sitwasyon.

Samantala, nanawagan ang Partido Manggagawa sa Marcos Family na “mag-move on” na at ilibing na lang si FM sa Batac, Ilocos Norte. “The former dictator ruthlessly ruled and divided this nation for over two decades, thus, his burial at Libingan can never be considered a unifying action,” saad ng maka-kaliwang grupo. 

Samantala, magsuri tayo. Sa tindi ng pag-ulan at pagbaha sa maraming panig ng bansa, sumakay sa helicopter si RRD at nag-inspeksiyon sa mga lugar na sinalanta. Ikumpara raw ito kay PNoy noon na ilang araw bago siya lumabas upang mag-inspekisyon sa mga sinalantang lugar ng baha, bagyo o anumang kalamidad. Whew, wala na si PNoy, kalimutan na iyan. Si Digong ngayon ang nakaupo at tingnan natin ang kanyang performance at governance. (Bert de Guzman)