CAMP JUAN, Ilocos Norte – Inaresto ng pulisya ang isang opisyal ng barangay matapos umanong maaktuhang bumatabak ng shabu sa Sitio Dungtal, Barangay 23, Laoag City, nitong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Office, dakong 8:00 ng gabi nitong Linggo nang dakpin ng mga pulis si Al Aguibay, pangulo ng Association of Barangay Chairman (ABC) at ex-officio member ng Barangay Carasi, sa isang entrapment operation sa Bgy. 23, Laoag City.

Nabatid na sa bayan ng Vintar bumili umano ng ilang sachet ng shabu si Aguibay.

Matapos arestuhin, idiniretso naman sa ospital ang opisyal makaraang atakehin ng alta-presyon. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?