Umabot na sa pito katao ang namatay sa malalakas na ulan at baha na dala ng hanging habagat sa bansa, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sa ulat ng NDRRMC, may 100,000 mamamayan ang napilitang lumikas sa baha sa ilang parte ng Luzon at Western Visayas, habang 50,000 katao ang nananatili sa 113 evacuation centers sa Luzon at Metro Manila.

Namahagi na ng relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga apektadong pamilya.

(Fer Taboy)

Teleserye

New role unlocked: Susan Africa hindi na ubuhin, doktora na!