BEIRUT (AFP) – Binihag ng Islamic State ang nasa 2,000 sibilyan para gawing “human shields” sa kanilang pagtakas mula sa balwarte nilang Manbij sa hilagang Syria, ayon sa US-backed forces.

Naitaboy ng alyansang Arab-Kurdish na Syrian Democratic Forces (SDF) ang karamihan sa mandirigmang IS mula sa Manbij noong nakaraang linggo, ngunit maraming iba pa ang nananatili sa lugar.

Noong Biyernes, nilisan ng grupong terorista ang isang komunidad sa hilaga patungo sa isa pang balwarte nila sa Jarabulus, sa hangganan sa Turkey, at tinangay ang mga bihag kasama nila, sa eksenang ayon sa Pentagon ay nagpapakitang ang IS “on the ropes” na.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture