QUEZON, Nueva Ecija - Patay na nang idating sa ospital ang isang 37-anyos na wanted sa droga makaraaang paslangin ng mga hindi nakilalang salarin sa Joson Avenue sa Barangay 2 sa bayang ito, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Quezon Police ang nasawi na si Abdon Ramiscal Jr., y Bayangos, ng Bgy. Bertese na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa .45 caliber pistol.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jose Carlo Trinidad, dakong 5:00 ng hapon at nakaupo ang biktima sa isang nakaparadang tricycle nang biglang sumulpot ang mga suspek at malapitan siyang pinagbabril.

Ayon sa record ng pulisya, si Ramiscal ay nangunguna sa listahan ng Barangay Drug Abuse Council at ikapito naman sa priority target list ng Quezon Police Provincial Office. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar