August 10, 2003 nang ikasal ang cosmonaut na si Yuri Malenchenko, lulan ng International Space Station, sa space.

Pinakasalan niya ang American citizen na si Ekaterina Dmitriev, na naglakad sa altar ng National Aeronautics and Space Administration’s (NASA) Gilruth Center main hall sa Houston, Texas.

Nakasuot si Malenchenko ng formal flight uniform, habang si Dmitriev ay nakasuot ng sleeveless V-neck wedding dress.

Pinasok ni Dmitriev ang reception area matapos niyang kunin ang cardboard cutout ng buong katawan ni Malenchenko.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagkaroon ng ugnayan ang dalawa dahil sa video linkup, na nagtayo ng “private family conference.”

Ang seremonya, na dinaluhan ng 200 katao, ay kinunan ng video.

Pinayagan ng Texas law ang pagpapakasal kahit na ang isa sa mga bagong kasal kahit wala ang presensya ng isa.