Naghahanda na ang Zamboanga City para sa hero’s welcome na igagawad kay weightlifter Hidilyn Diaz, silver medalist sa 2016 Rio Olympics.

Ayon kay Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar, ang seremonya ay idaraos sa August 15, araw ng Lunes. Inaasahang darating sa bansa sa Linggo ng gabi si Diaz na residente ng Brgy. Mampang, Zamboanga City.

Kasama ni Diaz ang coach nitong Zamboangueño rin na si Alfonsito Aldenete, at si Nestor Colonia na nagsikap din sa men’s category ng weightlifting.

Si Diaz ay bibigyan ng P500,000 ng city government, bukod pa sa P5 million at house and lot na tatanggapin nito mula sa national government.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magugunita na matapos ang 20 taon ay muling nakasikwat ng silver na medalya ang Pilipinas sa Olympics. (PNA)