BEIRUT (Reuters) – Isang ospital sa hilagang kanluran ng Syria ang binomba noong Sabado na ikinamatay ng 10 katao kabilang na ang mga bata, sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights.

Ang ospital sa bayan ng Meles, ay halos 15 km mula sa Idlib city na kontrolado ng mga rebelde.

Hindi pa malinaw kung aling puwersa ang may kagagawan ng airstrike.

Paulit-ulit na nanawagan ang humanitarian groups na itigil na ang mga pag-atake sa medical facilities.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ng medical charity na Syrian American Medical Society (SAMS) na naitala nitong Hulyo ang pinakamaraming pag-atake sa mga healthcare center sa limang taon nang giyera sa Syria.

“There were 43 attacks on healthcare facilities in Syria in July - more than one attack every day,” saad sa pahayag ng SAMS.