KINSHASA, Congo (AP) – Nawawala ang isang milyong dosis ng bakuna sa para sa yellow fever sa Angola matapos ipadala ng World Health Organization at ng mga katuwang na ahensiya sa bansa ang mahigit 6 milyong dosis noong Pebrero.

Sa harap ng pinakamalaking yellow fever outbreak sa loob ng maraming dekada, nakagawa ng maraming pagkakamali ang WHO na nakaantala sa pagkontrol sa sakit. Kabilang dito ang kabiguang masubaybayan ang pinagdadalhan ng mga bakuna na nagresulta sa matinding kakulangan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina