April 13, 2026

Home BALITA Internasyonal

Philippine Embassy, nagbigay ng ‘temporary accommodation’ sa 29 Pinoy bunsod ng pag-atake sa Qatar

Philippine Embassy, nagbigay ng ‘temporary accommodation’ sa 29 Pinoy bunsod ng pag-atake sa Qatar
Photo courtesy: Philippine Embassy in Qatar via MB

Tinatayang 29 Pinoy na naninirahan malapit sa danger zones sa Doha, Qatar ang kasalukuyan nang nasa akomodasyon ng Philippine Embassy sa Qatar bunsod ng nagpapatuloy na girian sa Middle East, habang isa ang naitalang sugatan mula sa intercepted missile sharpnels. 

Ayon sa anunsyo ng Philippine Embassy sa Qatar noong Sabado, Marso 7, kasalukuyan nang nasa maayos na kondisyon ang nasabing 29 Pinoy. 

Habang ang nabanggit na sugatang Pinoy ay nakapagtamo lamang ng “minor injuries” at ligtas ng nagpapagaling. 

Ang ilan naman sa stranded Pinoy transit passengers na nasa temporary visit ay panuluyan sa hotel ng kanilang airlines habang ang ilan dito ay nasa akomodasyon ng kanilang visa sponsors. 

Tiniyak ng embahada na alam nila ang mismong kinaroroonan ng mga ito. 

Internasyonal

Emperor penguin, Antarctic fur seal 'endangered' na—IUCN

Sa kasalukuyan din, pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy sa Qatar na manatili sa kanilang mga tahanan at maiging sumunod sa guidelines ng mga awtoridad. 

Gayundin ang pagtitiyak na sa mga beripikadong government at news channels lamang kumalap ng impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng misinformation at haka-haka hinggil sa mga kaguluhang nagaganap. 

Tiniyak din ng embahada na patuloy nilang binabantayan ang mga pangyayari at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at iba pang embahada ng Pilipinas at mga opisina sa ibang bansa sa Middle East. 

Sean Antonio/BALITA