Kinasuhan ng reckless imprudence resulting to double homicide at multiple physical injuries ang driver ng truck na nakapatay sa dalawang batang estudyante at naging dahilan sa pagkakasugat ng 11 iba pa sa Barangay Matlang, Isabel, Leyte.

Ayon sa Isabel Municipal Police, nasawi sa nabanggit na aksidente sa Sitio Pingag sa Bgy. Matlang sina Crislyn Moneset at Roelyn Cotillas, kapwa 10 anyos at mga Grade 5 pupil.

Kabilang sa 11 nasugatan sa insidente ang driver ng truck na si Jeffrey Bande, ng Ormoc City.

Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Bande sa truck, na may kargang mga LPG at acetylene cylinder, hanggang sa masalpok ang dalawang bata at iba pang biktima, bago bumangga sa isang nagdaraang motorsiklo, isang pampasaherong bus, at dalawang tricycle. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog