Isang linggo matapos ang road rage incident sa Quiapo, Maynila, isa na namang siklista ang sumakabilang-buhay nang makabanggaan ang isang motorisklo sa Tondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakasuot ng yellow-green na t-shirt at dilaw na jersey shorts at katamtaman ang pangangatawan.

Kinilala naman ang motorcycle rider na si Paul Mariano, 21, binata, estudyante, at residente ng 189 Interior Bauza Street, Bagumbayan South, Navotas City.

Sa isinumiteng ulat ni PO3 Byron Orate ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ng Manila Police District (MPD), lumilitaw na naganap ang insidente dakong 5:30 ng hapon sa Radial Road 10, malapit sa kanto ng Bulacan St., sa Tondo.

Eleksyon

'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list

Lulan ng bisikleta ang biktima at bumibiyahe sa westbound ng Bulacan St., patawid ng Radial Road 10 nang makabanggaan nito ang Yamaha Mio 1 MC (for registration) ni Mariano na bumibiyahe naman sa southbound ng naturang kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima mula sa kanyang bisikleta na naging sanhi ng pagkamatay nito. (Mary Ann Santiago)