TEXAS (Reuters) – Isang bagong batas ang nagkabisa sa Texas noong Lunes na nagpapahintulot sa ilang estudyante na magdala ng baril sa mga silid-aralan, sa katwiran ng mga tagasuporta na mapipigilan nito ang mass shootings at ayon naman sa mga kritiko ay ilalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga eskuwelahan.

Pinapayagan ng “campus carry” law ng estado ang mga taong nasa 21 anyos at pataas na may handgun license na magdala ng baril sa mga silid-aralan at gusali sa mga pampublikong kolehiyo, kabilang na sa University of Texas na isa sa may pinakamalaking enrollment sa bansa sa mahigit 214,000 estudyante.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture