Angel copy

INIINTRIGA si Angel Locsin dahil sa pagpo-post ng picture ng legs niya sa Instagram (IG). Kahit ang caption niya ay “Luma-I Love Life,” may mga nag-i-insist pa rin na patama niya ito kay Jessy Mendiola na special girl ngayon ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

May nag-comment na pasimple lang kung bumanat si Angel. May mga naniniwalang bitter pa rin si Angel kaya nag-post ng kanyang legs para ma-bash si Jessy.

Marami ang dumepensa kay Angel, may karapatan daw siyang ipagmalaki ang mga hita dahil sexy at hindi gaya ng mga hita at legs ni Jessy na malalaki raw at pata nga kung tawagin ng bashers nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Wala pang sinasagot si Angel sa mga tanong sa kanya kung nagpapasaring ba siya kay Jessy, kaya siya nag-post ng kanyang legs. (NITZ MIRALLES)