CABANATUAN CITY – Parami nang parami ang sumusukong adik at tulak sa Central Luzon, makaraang iulat ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Aaron Aquino na umabot na sa 35,000 ang boluntaryong sumuko sa pulisya sa pitong lalawigan sa rehiyon ngayong Hulyo.

Ayon kay Aquino, batay sa huling tala ng PRO-3 hanggang nitong Hulyo 27, 35,000 drug pusher at user ang sumuko sa pulisya at inaasahang madadagdagan pa ang mga ito.

Sa hanay naman ng mga pulis na napatunayang sangkot sa droga, 83 sa kabuuang 100 ang ipinatapon na sa Mindanao, at ang iba ay AWOL o nagbitiw na sa trabaho. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito