Pumasok sa top 10 ng individual competition ang Philippine-7-11 team sa katatapos na Tour de Jakarta sa Indonesia.

Nakalusot sina sina Marcelo Felipe at Edgar Nohales Nieto sa isang araw na karerang may distansiyang 178 kilometro at ginanap sa mga pangunahing lansangan ng kapitolyo ng Indonesia.

Kabilang ang dalawa sa 16 na kataong lead group na unang tumawid sa finish line at binigyan ng identical clocking na tatlong oras, 48 minuto at 50 segundo, sa pangunguna ng nagkampeong Australian rider na nakabase sa Indonesia na si Ryan Macanally ng Pegasus ContineNTAL Cycling Team.

Tumapos na pampito si Felipe habangka ikasiyam naman si Nieto.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sumunod naman sa kanila si Mark John Lexer Galedo na nakatawid na ika-22, apat na minuto at 39 na segundo ang pagkakaiwan sa unang grupo na sinundan ni Rustom Lim na ika-29, may anim na minuto at 59 na segundo kasama nina Nelson Martin at Dominic Perez.

Pumangalawa naman ang mga Pinoy sa Team classification kung saan nanguna ang Terengganu Cycling Team ng Malaysia.

(Marivic Awitan)