Ginapi ng Centro Escolar University-B, University of Perpetual Help-Molino at San Beda-Mendiola ang kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament kamakailan, sa Arellano University gym sa Legarda, Manila.

Sinandigan ang CEU-B Scorpions nina Paul Galinato, Mohd Sayeed Ascano at Don Tabol para pabagsakin ang Jose Rizal University, 68-59, sa torneo na suportado ng Vinas Optical.

Nanguna naman si Jayvee Tizon na may 14 na puntos sa panalo ng UPH-Molino Altas kontra Colegio San Agustin-Binan, 76-68.

Pinabagsak ng San Beda, sa pangunguna ni Emmanuel Bejer na umiskor ng 19 na puntos, ang CSA-Binan sa junior division.

Nakabawi ang CEU sa natamong 56-65 kabiguan sa Arellano University Chiefs sa opening match sa Group A.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Sa iba pag laro sa junior division, pinadapa ng Hope Christian School ang Adamson, 80-69, habang namayani ang Letran sa Xavier School, 75-70, at nagwagi ang Manila Patriotic School sa San Beda-Rizal, 82-76.

Ayon kay Commissioner Robert de la Rosa, ang apat na mangungunang koponan sa bawat grupo matapos ang elimination at uusad sa quarterfinals.