GAPAN CITY, Nueva Ecija – Maselan ngayon ang kondisyon ng isang 12-anyos na lalaki makaraang pagtatagain sa loob ng kanyang kuwarto ng isang umano’y bangag sa droga, sa Sitio Barangoy sa Purok 6, Barangay Sto. Cristo sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Peter Madriaga, hepe ng Gapan Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang 12-anyos na estudyanteng biktima ay nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Edmer Portillo, dakong 8:30 ng gabi at nasa loob ng silid ang biktima nang pasukin siya ni Chester Mel Lumbang y Vivas, 33, may asawa, ng Bgy. Maligaya, Cabiao, at walang sabi-sabing pinagtataga.

Hinala ng pamilya, posibleng bangag ang suspek at napagtripang tagain ang bata. Pinaghahanap na si Lumbang. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog