Isang lalaking pinagdidiinang “Chinese drug lord” ang itinumba ng mga ‘di kilalang suspek sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang pasaporte na si Jaime Ong Bayaca, 40, tubong Nueva Vizcaya, at residente ng Tikay, Malolos, Bulacan.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong 12:45 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa R-10 bridge, sa Tondo.

Nagroronda umano ang barangay tanod na si Roque Denero, 38, nang madiskubre ang bangkay na may nakasabit na karatula sa leeg at may nakalapat na: “DRUG LORD AKO (Chinese)”.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Brutal ang pagkakapatay sa biktima dahil bukod ibinigti ito gamit ang alambre ay may tatlo pa itong saksak sa dibdib.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Mary Ann Santiago)