TANAUAN CITY, Batangas - Pinaghahanap ng awtoridad ang isang 22-anyos na binata na inireklamo sa panggagahasa umano sa kanyang pinsang babae sa Tanauan City.

Inireklamo ng 11-anyos na biktima si Kim Allen Dimaunahan, na umano’y gumahasa sa kanya nitong Hulyo 19.

Nabatid sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na bandang 10:45 ng umaga nitong Hulyo 25 nang magreklamo sa pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina.

Naglalaro sa basketball court ng Barangay Ulango ang dalagita nang umano’y yayain ng suspek sa Bgy. Laurel para magpagasolina ng motorsiklo, pero ginahasa umano ito roon. (LYKA MANALO)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito