Natamo ng Batang Gilas ang nakapanghihinayang na kabiguan sa kamay ng Southeast Asian rival Thailand, 74-71, nitong Martes sa FIBA Asia Under-18 Championship sa Tehran, Iran.

Nanguna si Justin Bassey sa Thailand sa natipang 34 na puntos, 21 rebound at limang assist. Naisalpak niya ang 15-foot jumper na nagbigay ng 73-71 bentahe.

Nabigo ang Gilas na maipuwersa ang overtime nang sumablay ang pagtatangka sa krusyal na sandali.

Nagtumpok si Jolo Mendoza ng 22 puntos sa Batang Gilas, nabigo rin sa China at Chinese-Taipei. Tanging ang Iraq pa lamang ang nagagapi ng Pinoy.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Iskor:

Thailand (74) — Bassey 34, Tabtim 13, Banchathon 11, Pamanee 6, Suwan 5, Leelaphipatkul 2, Jaimsawad 2, Thanarojwongsa 1, Kanhasin 0.

Philippines (71) — Mendoza 22, Gallego 20, Bahio 9, Mamuyac 7, Tibayan 5, Flores 2, Carino 2, Pagsanjan 2, Yu 2, Lee 0, Sinclair 0, Madrigal 0.

Quarters:

20-18, 33-31, 57-56, 74-71.