Inihain ni Rep. Alfredo Benitez (3rd District, Negros Occidental) ang House Bill No. 82 (On-Site, In-City or Near-City Resettlement Act) na nagsusulong din sa People’s Plan upang konsultahin ang mga maaapektuhan ng relokasyon bago sila ilipat.

Ayon kay Benitez, mayroon 1.5 milyong informal settler families (ISF) at 600,000 sa kanila ay nakatira sa Metro Manila.

Layunin ng panukala na makalikha ng mga relocation site na malapit o nasa loob ng mga lungsod upang hindi maapektuhan ang kabuhayan at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga inilipat na pamilya. (Bert de Guzman)

Teleserye

'Mas grabe!' David, nag-react sa dumaraming kissing scene nila ni Barbie