BERLIN (Reuters) – Patay ang isang 27-anyos na lalaking Syrian na tinanggihan ng asylum sa Germany isang taon na ang nakalipas nitong Linggo nang sumabog ang bomba na dala nito sa labas ng isang music festival sa Ansbach, Germany.
Sinabi ni Bavaria Interior Minister Joachim Herrmann na dalawang beses nang tinangka ng lalaki na magpakamatay sa nakalipas. Hindi malinaw kung binalak nitong mag-isang magpakamatay o mandamay ng iba pa, iniulat ng Nordbayern.de website. Labindalawang katao ang nasugatan sa pag-atake.
Ayon kay Herrmann, may dalang backpack ang lalaki, at hindi pinapasok sa Ansbach Open music festival ilang minuto bago ang pagsabog. Mahigit 2,000 katao ang inilikas mula sa festival kasunod ng insidente.