BEIJING (AP) – Binayo ng malalakas at tuluy-tuloy na ulan ang China na nagresulta sa pagkamatay ng 154 katao habang 124 iba pa ang nawawala, sinabi ng mga opisyal nitong Sabado.

Nagsimula ang mga pag-ulan noong Lunes, na nagbunsod ng pag-apaw ng mga ilog, landslide, at pagkasira ng maraming bahay sa buong bansa. Karamihan ng mga namatay ay iniulat na nagmula sa hilagang lalawigan ng Hebei, kung saan sinabi ng provincial Department of Civil Affairs na 114 ang namatay at 111 pa ang nawawala.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina