Mayorya sa sambayanang Filipino ay tiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa kabila ng kaliwa’t kanang drug killings sa kanyang administrasyon, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Sa idinaos na nationwide survey noong July 2-8, 91 porsiyento sa 1,200 respondents ang nagpahayag ng tiwala sa Pangulo, at walang distrust na naitala (0.2 porsiyento), samantala ang natitirang 8 porsiyento ay hindi masabi kung tiwala sila o hindi sa Pangulo.
Samantala nakakuha naman ng 62 porsiyentong trust rating si Vice President Leni Robredo, 11 porsiyento ang ‘di tiwala sa kanya at 27 porsiyento naman ang undecided.
Kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, 35 porsiyento ang tiwala sa kanya at 19 porsiyento naman ang hindi. Mas malaki ang hindi makapagsabi kung tiwala o hindi ang mga ito kay Sereno nang makakuha ng 42 porsiyento.
Nang tanungin kung ano ang kanilang ‘top concerns’ na dapat pagtuunan ng pansin ni Duterte, sinabi ng respondents na una na ang pagkontrol sa presyo ng bilihin (68%), paglikha ng trabaho (56%) at pagkakaroon ng bagong pro-poor program (55%).
Pumapalo naman sa 48% ang nagnanais na tutukan ng Pangulo ang kriminalidad. (Ellalyn B. De Vera)