Mga laro sa Biyernes (San Juan Arena)

12 n.h. -- Letran vs Perpetual

2 n.h. -- Mapua vs San Sebastian

4 n.h. -- San Beda vs Arellano

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pinadapa ng Letran Knights ang San Sebastian Stags, 90-77, para sa ikatlong panalo sa apat na laro sa pagpapatuloy kahapon ng NCAA Season 92 men’ s basketball tournament sa San Juan Arena.

Nagtala si Rey Nambatac ng personal best at season high 40 puntos bukod pa sa 10 rebound at dalawang assist upang pangunahan ang malaking panalo ng Knights.

Sinuportahan naman nina McJour Luib, Jerrick Balanza at John Calvo ang defending champion sa naitumpok na 12, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing produksiyon ay bumura sa dating personal best ni Nambatac na 34 na puntos na ginawa nya kontra EAC noong Hunyo 28.

Si Nambatac din ang unang manlalaro ng Knights na umiskor ng 40 puntos, kasunod ni Kevin Alas na nagtata ng 43 puntos, noong second round ng Season 88.

Nagtapos namang topscorer para sa Stags na bumagsak sa 1-3 karta si rookie Regille Ilagan na kumana ng career high 23 puntos. - Marivic Awitan