Inihain ni Bohol Rep. Arthur Yap ang House Bill 38 na naglalayong pagkalooban ng emergency powers si President Duterte upang makatulong sa paglutas sa problema ng trapiko at transportasyon.

Sa ilalim ng panukalang “Metro Manila Traffic and Transport Crisis Act of 2016,” bibigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na balasahin ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOT), Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang mga ahensiya na may kaugnayan sa traffic management, tulad ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), Maritime Industry Authority (MARINA), Civil Aeronautics Board (CAB), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Toll Regulatory Board (TRB), Light Rail Transit Authority (LRTA) at Philippine National Railways (PNR). - Bert de Guzman

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'