STA. ROSA, Nueva Ecija - Kalaboso ang kinahinatnan ng isang magka-live-in makaraang maaresto ng mga intelligence operative ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Sta. Rosa Police sa buy-bust operation sa Barangay Liwayway sa bayang ito nitong Martes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasukol na si Jhoncel Vince Ancheta y Accad, alyas Joven, 22; at kinakasama nitong si Romalyn Aquino y Pascual, 24, ng Bgy. Bago, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ni PO2 Drextemir Esmundo, dakong 1:30 ng hapon nang maaktuhan ang mga suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa lugar, at nakumpiskahan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money, at motorsiklong ginagamit umano sa transaksiyon sa droga.

Batay sa record ng pulisya, noong nakaraang linggo lang sumuko si Ancheta sa Palayan City Police makaraang umaming nagbebenta ng shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog