Janella Salvador and Elmo Magalona copy copy

NAALIW kami sa batuhan ng dayalogo nina Kakai Bautista at Cai Cortez sa pelikulang Imagine You & Me dahil binanggit nila ang titulo ng seryeng Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador na umeere ngayon sa ABS-CBN.

 “Baka he (Alden) was really born for you,” sabi ni Cai kay Maine Mendoza,.

 Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ng Born For You sa rating games. Bukod sa nationwide ratings, umarangkada rin ito sa social media sa pangunguna nito sa “Social WIT List” ng worldscreen.com bilang pinakapinag-uusapang bagong programa sa buong mundo noong buwan ng Hunyo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 Ayon sa World Screen, ang 31-year-old publication na nagbabalita tungkol sa media companies sa buong mundo at sumisiyasat ng iba’t ibang global media trends, humakot ng kaliwa’t kanang papuri sa online world ang pagbubukas ng seryeng pinagbibidahan nina Elmo at Janella at nakapagtala ng libu-libong tweets ng netizens.

Bukod sa Born for You, kasama rin sa listahan ang Adventures in Baby Sitting ng Disney Channel, Greenleaf na produced ng world-renowned host na si Oprah Winfrey, at iba pang palabas sa mga bansang UK, Brazil, France, at Turkey. 

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang Born for You, gabi-gabi sa ABS-CBN. (Reggee Bonoan)