Tatlong barangay chairman mula sa Leyte at Eastern Samar ang sumuko sa takot na abutan ng “Oplan Double Barrel” na mahigpit na ipinatutupad ng Phlippine National Police (PNP).

Ayon sa Police Regional Office (PRO)-8, unang sumuko sina Mark Glen Corbilla, chairman ng Barangay Santarin; at Ramil Panis, chairman ng Bgy. San Roque, kapwa ng Barugo, Leyte.

Sinabi ng Barugo Municipal Police na kapwa gumagamit lang at hindi nagbebenta ng droga sina Corbilla at Panis.

Sa bayan ng Dolores sa Eastern Samar, sumuko naman kay Insp. Alex Robin, hepe ng Dolores Municipal Police, si Boyax Rivera, chairman ng Bgy. 8. (Fer Taboy)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!