Libu-libong pasahero ang naperhuwisyo sa panibagong aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa gitna ng rush hour, kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong 6:14 ng umaga nang biglang tumirik ang isang tren ng MRT 3 sa gitna ng Ayala Station southbound sa Ayala Avenue-EDSA sa Makati City, dahil umano sa technical problem.

Nagngitngit ang mga pasahero na napilitang bumaba sa nagkaaberyang tren at naglakad sa gilid ng riles.

Dahil sa aberya, sapilitang sumakay at makipagsiksikan sa mga bus ang mga apektadong pasahero.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bandang 6:34 ng umaga nang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT 3 matapos ang 20 minutong pagkakaantala sa biyahe ng tren. (Bella Gamotea)