CABANATUAN CITY - Isang grupo ang kumikita ngayon sa pamamagitan ng pangongotong sa mga tinatakot nilang nasa drug watch list at target ng operasyon ng pulisya kung hindi magbabayad ng P10,000 hanggang P50,000 cash.

Ipinarating sa Balita ni Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Provincial Public Safety Company (PPSC), na ilang tao na sa Nueva Ecija ang humingi ng tulong sa kanya dahil umano sa mga natatanggap na “extortion thru text messaging”.

Nagpakilala umano ang grupo bilang “Osamis Group” na nagte-text sa bibiktimahin para sabihing kasama ito sa target list ng pulisya laban sa droga pero, “Huwag kayong mag-alala at kami ang bahala, basta maibigay ang P10K hanggang P50K”.

Nakalagay din umano sa text message ang pangalan ng padadalhan ng pera.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga nakatanggap ng nasabing text message, o nabiktima na ng grupo, na agarang makipag-ugnayan sa pulisya. (Light A. Nolasco)