Rhian and Rafael (1) copy

PINAKA-DARING na soap opera ni Rhian Ramos ang Afternoon Prime na Sinungaling Mong Puso hindi lang sa istorya kundi pati na sa mga eksenang gagawin niya kasama sina Rafael Rosell at Kiko Estrada.

Ang pipigil lang kay Rhian na itodo ang pagpapaka-daring ay ang time slot nila dahil hindi puwede sa hapon ang sobrang halikan, bed scene at love scene.

“Tama ang material,” sagot ni Rhian kung bakit niya tinanggap ang Sinungaling Mong Puso kahit alam niyang may mga gagawin siyang daring scenes. “Part ng story ang daring scenes. I’m willing magpaka-sexy para mas ma-feel ang intimacy ng karakter at para mas gumanda ang story.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ginagampanan ni Rhian ang katakter ni Clara na umibig kay Roman (Rafael) na sa umpisa lang ng pagsasama nila mabait.

Physically, emotionally and verbally abused si Clara ni Roman at dagdag na challenge at pressure ito kay Rhian.

“Dahil tinanggap ko ang project na ito, there’s no backing out. I have to do my very best to be Clara habang tumatakbo ang Sinungaling Mong Puso. I don’t want to disappoint Direk Ricky Davao, the staff, crew, creative team, GMA Network and my co-stars. Para rin ito sa fans ko na up to now, sumusuporta pa rin sa akin,” sabi ni Rhian.

Magpa-pilot ang Sinungaling Mong Puso sa July 18, kapalit ng Hanggang Makita Kang Muli pagkatapos ng Magkabilang Mundo. TV adaptation ito ng pelikula with the same title na pinagbidahan nina Rep. Vilma Santos, Aga Muhlach at Gabby Concepcion sa direction ni Maryo J. delos Reyes. (Nitz Miralles)