Mga laro ngayon
(MOA Arena)
6:30 n.g. -- Canada vs New Zealand
9 n.g. -- France vs Turkey
Wala na ang Gilas Pilipinas, ngunit mananatili ang mainit na pagtanggap ng Pinoy basketball fans sa FIBA Manila Olympic Qualifying Tournament.
Kapana-panabik ang aksiyon sa cross-over semifinal ngayon kung saan liyamadong uusad sa championship ang world No.5 France at Canada na parehong winalis ang kani-kanilang group stage match.
Haharapin ng Canada, sa pangunguna ni Cleveland Cavaliers forward Tristian Thompson, ang Tall Blacks ng New Zealand sa ganap na 6:30 ng gabi, habang sasabak ang France kontra sa Turkey sa ganap na 9:00 ng gabi.
Mas lumakas ang France matapos ang pagdating ni Nicholas Batum, isa ring NBA veteran na kamakailan lamang ay lumagda ng bagong multi-million contract.
Ang magwawagi sa Manila stage ang uusad sa Rio Olympics na nakatakda sa Agosto 5-21.
Samantala, iba man ang lahing pinagmulan, sinabi ni American coach Tab Baldwin na ang puso niya ay sa Pilipinas.
Inamin ni Baldwin na mistulang nadurog ang kanyang puso bunsod ng kabiguan ng Gilas Pilipinas na makamit ang inaasam na pagkakataong makalarong muli sa quadrennial Games.
“I’ve been in many places and I haven’t seen this much love for the game,” sambit ni Baldwin na umaming tinamaan siya sa ipinakitang pagmamahal ng mga Pinoy sa basketball.
“Whenever you are passionate about something and there is a disappointment, you’re upset.”
“We got beaten by two teams that are ranked higher that us (in the world) and they played better games on those days,” aniya.
Para sa Gilas mentor, ang limitado at maiksing panahon ng paghahanda ang dagok sa kampanya ng Pinoy.
“We have to accept the truth that we are not really exposed to playing teams at this level,” pahayag ni Baldwin.
“But for the short time that we had, we made great strides. We just fell short,” aniya.