CABANATUAN CITY – Nakasubasob sa madamong lugar sa Nueva Ecija-Aurora Road sa bisinidad ng Purok I, Barangay San Isidro ang bangkay ng isang hinihinalang carnapper nang matagpuan kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonathan Atacador y Erna, 31, binata, tricycle driver, residente ng Purok I, Bgy. Valle Cruz.

Sa imbestigasyon ni SP01 Ronel Balundo, dakong 3:20 ng hapon nang matagpuan ng isang residente ang bangkay ni Atacador na may tama ng bala sa ulo at katawan.

Nakarekober ng pulisya sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol at 10-deformed slug, at isang Kawasaki Bajaj CT-100 na walang plaka.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa rekord ng Nueva Ecija Highway Patrol Group na ang biktima ay kabilang sa carnapping watchlist ng ahensiya at matagal nang pinaghahanap ng batas. (Light A. Nolasco)