PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Wala nang buhay ang isang 31-anyos na babaeng bilanggo, na akusado sa ilegal na droga, nang natagpuang nakabigti sa loob ng kanyang selda.

Kinilala ng Palayan City Police ang umano’y nagpatiwakal na si Marinel Munar-De Guzman, vendor, ng Purok 1, Barangay Militar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Roan Salupacio, dakong 12:15 ng tanghali nang nagsagawa ng routine inspection si PO3 Aristeo Gumarang sa female detention facility hanggang nadiskubre niya ang nakabigting si De Guzman, na gumamit ng strap ng isang sling bag.

Naaresto kamakailan si De Guzman matapos mahulihan ng dalawang transparent plastic ng hinihinalang shabu at ilang uri ng bala sa kanyang bahay. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog