BAYAMBANG, Pangasinan - Dalawang estudyante sa high school ang namatay makaraang mabangga ang kanilang motorsiklo ng isang Mitsubishi L200 sa Barangay Buayaen sa bayang ito.

Labis ang kalungkutan ng mga kapwa estudyante at mga guro sa pagpanaw nina Mark Cayabyab, 16, binata, ng Bgy. Amancosiling Sur, Bayambang; at Melen Jomar Castillo, 16, binata, ng Bgy. Buayaen.

Si Cayabyab ang nagmamaneho ng motorsiklo, kaangkas si Castillo, kapwa estudyante sa Grade 7.

Sinabi ng pulisya na kusa namang sumuko sa awtoridad si Victorino Tolentino, Jr., 46, company driver, ng Bgy. Malacampa, Camiling, Tarlac. Kakasuhan siya ng reckless imprudence resulting to double homicide.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nabatid na dakong 12:30 ng tanghali nitong Hunyo 30 nang bumangga ang Mitsubishi L200 (SEE-806) na minamaneho ni Tolentino sa motorsiklong sinasakyan ng mga biktima sa national road sa Bgy. Buayaen, Bayambang. (Liezle Basa Iñigo)