ZAMBOANGA CITY – Dinukot ng mga armadong lalaki, na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), ang isang anim na taong gulang na mag-aaral sa tapat ng paaralan nito sa Patikul, Sulu, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Santino Espino, Grade 1 pupil ng Don Jose Godinez Elementary School sa Barangay Latih, Patikul, Sulu.

Ayon sa mga testigo, isinakay ng apat na suspek ang paslit sa isang motorsiklo bago tumakas kasama ang biktima.

Nangyari ang insidente dakong 11:15 ng umaga matapos ihatid ang biktima ng kanyang ina sa eskuwelahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglunsad na ng rescue operation ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar upang mabawi ang bata mula sa mga kidnapper. (Nonoy E. Lacson)