TARLAC CITY - Patuloy na nagsasagawa ng operasyon kontra droga si Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan at tatlong lalaki ang naaktuhan kamakailan habang nagpa-pot session sa Sitio H-Cruz sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Arestado sina Remmar Gamueda, 26, ng Bgy. Villa Bacolor, Tarlac City; Arthuro Tudla, 56, ng Bgy. Mayang, La Paz; at Dante Castro, 26, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Nauna rito, nakatanggap ng report si Razalan na may nagaganap na pot session sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang piraso ng transparent plastic sachet na may 0.045 gramo ng hinihinalang shabu, apat na aluminum foil, disposable lighter at iba pang paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog