SAN PABLO, Isabela - Patay agad ang isang barangay tanod makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang armado sa Sitio Antagan, Barangay Annanuman sa bayang ito.

Kinilala ng San Pablo Police ang biktima na si Raffy Gumaru, 21, tanod sa Bgy. San Vicente, San Pablo, Isabela.

Ganap na 8:00 ng gabi nitong Lunes at kasisimula lang makipag-inuman ni Gumaru nang saglit siyang lumabas sa bakuran at doon siya pinagbabaril.

Tinamaan sa tiyan ang biktima at agad ding binawian ng buhay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakarekober ang pulisya ng mga basyo ng 5.56mm caliber sa pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan na ang motibo sa pagpatay. (Liezle Basa Iñigo)