TAAL, Batangas - Patay ang isang empleyado ng munisipyo matapos umanong pagbabarilin malapit sa public market ng Taal, Batangas.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Our Lady of Caysasay Hospital ang buhay ni Eduardo Onal, 57, Assessment Clerk II sa Assesor’s Office ng Taal.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 11:45 ng umaga nitong Hunyo 27 at pauwi na si Onal sakay sa motorsiklo nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Nakasuot umano ang mga suspek ng itim na jacket at tumakas patungo sa direksiyon ng Lemery.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakarekober ang pulisya ng anim na basyo ng bala mula sa .45 caliber pistol habang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)